Pumipigil na pag-ibig Sa 'Yo ako humihiling, Muli kong ibinabalik Buhay kong sa 'Yo'y nakamit Nang yumamang higit.
Ilaw na sumusubaybay Sa landas ng aking buhay, Muli kong ibinibigay Sinag ng puso kong banday Nang araw'y sumilay.
O t'wang kumakaulayaw, Puso sa'yo'y di sasarhan; Binabakas ko sa ulan Ang bahag-haring mainam, Umaga'y kikinang.
Krus na nagtaraas sa 'kin, Di ko hiling na pawiin; L'walhati ko ay kinutil At sa lupa ay sumupling, Buhay walang maliw.